Mariing itinanggi ng kampo ni dating House Speaker Lord Allan Velasco ang mga lumabas na ulat sa media hinggil sa mga alegasyon ng isang indibidwal na kinilalang si “Alias Chris” na nag-uugnay sa kanya at kay VP Sara Duterte sa mga umano'y ilegal na gawain.

Sa isang opisyal na pahayag na inilabas ni Atty. Rowell Ilagan, tagapagsalita ni Velasco, binatikos nito ang kredibilidad ng bagong testigo. Ayon kay Ilagan, layon lamang ng mga paratang na ito na sirain ang reputasyon ng dating Speaker at ng Pangalawang Pangulo:

"We have recently been made aware of media reports concerning an individual identified as "Alias Chris," who has made allegations against former House Speaker Lord Allan Velasco, that appear calculated to tarnish his reputation and that of Honorable Vice President Sara Z. Duterte."

Iginiit ng abogado na hindi ito ang unang pagkakataon na may lumutang na "testigo kuno" na nagpakalat ng mga katulad na walang basehang akusasyon sa halip na maglahad ng totoong ebidensya:

"This is now the second time a purported witness has surfaced to make similar unfounded allegations against our client, intended to cast aspersions on his character and integrity rather than to establish the truth through evidence."

Ayon pa kay Ilagan, puno ng mga kontradiksyon ang salaysay ni “Alias Chris” at malinaw na wala itong sapat at direktang kaalaman sa mga ibinibintang nitong ilegal na gawain:

"The account of Alias Chris is riddled with inconsistencies that reveal an apparent lack of personal knowledge and fails to establish any factual basis for attributing unlawful conduct to our client or to the Honorable Vice President."

Dahil dito, nanawagan ang kampo ni Velasco sa publiko at sa media na maging matalino at mapanuri sa pagtimbang sa mga ganitong uri ng akusasyon. Aniya, ang paulit-ulit na pagpapakalat ng mga kontrobersyal na balita ay hindi kailanman magiging basehan ng katotohanan:

"We urge the public and the media to exercise prudence in evaluating these accusations. The mere repetition of accusations, no matter how sensational or well-publicized, does not make them true."

Ipinapaalala rin ng legal team na pribadong mamamayan na ngayon si Velasco matapos magsilbi sa bayan nang may katapatan, kaya hindi nararapat na gawin siyang pain o idawit sa mga kasalukuyang labanang politikal:

"Former House Speaker Velasco has served the country with integrity and sincerity. Having returned to private life, he should not be subjected to unfounded accusations or made a collateral target of political controversies."

Sa huli, sinabi ni Ilagan na kasalukuyan nang pinag-aaralan ng kanilang legal team ang mga susunod na hakbang upang matukoy ang angkop na legal na aksyon laban sa mga nagpapakalat ng mapanirang impormasyon:

"We shall continue to evaluate these allegations and the circumstances surrounding their dissemination to determine the appropriate legal remedies."