Naging NEGATIBO ang inilunsad na Oplan Raniag 01/2026 ng Ifugao Police Provincial Office matapos hindi maabutan ang puganteng si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag sa isang poultry farm sa lalawigan.

Sa ulat ng pulisya, sinalakay ng mga operatiba ang Clifford Olivas Poultry Farm sa Sitio Alupapan, Barangay Pugol, Lamut, Ifugao nitong Nobyembre 1.

Nakarating ang mga otoridad sa lokasyon bandang alas-5:20 ng umaga, ngunit nang isilbi ang warrant of arrest eksaktong alas-5:30 ng umaga ay wala si Bantag sa lugar.

📸PRO CAR